TOKYO- Isang lalaki sa Tokyo ang naischedulenoong umaga ng ika-25 ng Marso ngayong taon para umapila laban sa state of japan dahil umano sa pwersahan nilang pagpapatupad ng “sterilization surgery” sa ilalim ng Eugenic Protection law.
“I want my life to be returned” iyan ang sigaw ng isa sa mga sumailalim sa naturang operasyon.
Sa Eugenic Protection law ,pinapayagan at sinasabing legal ang pwersahan pagsasagawa ng sterilization surgery kahit walang consent mula sa pasyente.
Ito ang ipinaglalaban ng isang lalaki na nasa edad 70’s na residente ng tokyo. Diringgin ang kanyang reklamo sa Tokyo district court sa susunod na buwan.
Ayon sa kanya pwersahan umano syang pinasailalim sa naturang surgery noong sya ay teenager pa lamang. giit nito, “Bakit kailangan ko sumailalim sa ganoong operasyon?, hindi ba pwedeng mamuhay ako ng normal. Ibalik nila ang nasayang sa buhay ko”.
Ipinatupad ang Eugenic Protection Law at masusing pinagaralan umano ang mga subject na sumailalim dito ngunit nais ng abogado ng umaapila na busisihin at suriin ulit kung totoo nga bang kabilang ang kanyang kliyente sa listahan ng mga sumailalim dito.
Tungkol naman sa former eugenic protection law, isang babae naman sa Miyagi prefecture na nasa edad 60’s naman ang nauna ng nagsampa ng kasong katulad nito.
Source: Ann News