Gobyerno ng Japan, Hinihiling sa mga Airline na Magsumite ng Data Araw-araw sa mga Inbound Flight Booking
Hiniling ng transport ministry ng Japan sa bawat air carrier na magsumite ng data araw-araw sa mga booking para sa mga inbound international flights habang ang bansa ay nagsusumikap upang maiwasan ang Omicron coronavirus variant, sinabi ng sources na may kaalaman sa sitwasyon.
Ang kahilingan para sa na-update na impormasyon kasama ang number of reservations para sa bawat flight patungo sa Japan ay ginawa matapos ibaba ng gobyerno ngayong buwan ang daily cap para sa mga taong darating mula sa ibang bansa sa 3,500 mula sa 5,000.
Hanggang kamakailan lamang, hiniling ng ministry sa mga airline na nagpapatakbo ng mga international na flight na magsumite ng naturang data minsan sa isang linggo. Hinihiling ngayon sa kanila na gawin ito araw-araw hanggang Enero 31, ayon sa sources.
Sa paglitaw ng bagong variant, sa prinsipyo, ipinagbawal ng Japan ang lahat ng mga bagong entry ng mga dayuhan mula sa buong mundo.
Ngunit pinayagan ng Japan ang isang limitadong bilang ng mga Japanese citizen at dayuhang residente na muling makapasok sa bansa, gamit ang daily ceiling.
Ang kamakailang panawagan ng ministry para sa mga airline na huminto sa pagkuha ng mga reservations para sa mga flight patungo sa Japan sa katapusan ng Disyembre ay nagdulot ng kalituhan at hiyaw mula sa mga taong nagpaplanong umuwi para sa New Year holiday.
Napilitan ang ministry na bawiin ang blanket request noong Huwebes at sinabi na ang mga reservations ay papayagan sa loob ng daily cap ng gobyerno na 3,500.
Inaasahan nitong gamitin ang pang-araw-araw na data upang mas mahusay na masubaybayan ang mga reservations ng mga taong handang bumalik sa Japan at overall travel demand , sinabi pa sa source.