Gobyerno ng Japan, Inaprubahan ang Pfizer COVID Vaccine Para sa mga Batang may Edad 5-11
Inaprubahan ng health ministry ng Japan nitong Biyernes ang administration ng Pfizer Inc’s coronavirus vaccine sa mga bata na nasa pagitan ng 5 at 11 habang patuloy na tumataas ang bilang ng kaso sa buong bansa sa mabilis na pagkalat ng Omicron variant.
Ito ang first COVID-19 vaccine na ginawang available sa Japan para sa age group na iyon. Ang mga inoculation ay magsisimula as early as March pagkatapos ng mga detalye, kabilang ang mga guidelines, na ginagawa na, ayon sa mga opisyal.
Aabot sa humigit-kumulang 8 milyong mga bata ang magiging karapat-dapat na tumanggap ng bakuna, na binuo ng US pharmaceutical giant at ng kasosyo nitong German na BioNTech SE, matapos itong bigyan ng special fast-track approval ng ministry. Ang bakuna ay kasalukuyang magagamit lamang sa mga taong may edad 12 at mas matanda sa Japan.
Nahati ang mga Health expert sa necessity ng pagbabakuna sa mga young children dahil malabong magkaroon sila ng serious symptoms kung nahawaan ng virus na nagdudulot ng COVID-19. Samantala, ang ilang mga magulang, ay nagpahayag ng mga alalahanin tungkol sa mga posibleng epekto.
“We’d like to carefully explain the safety (of the vaccine) and start inoculation as soon as possible to those who wish to receive it,” sabi ni Noriko Horiuchi, minister in charge sa pagsulong ng vaccine rollouts, sa isang press conference.
“It is a big thing to have an inoculation option when some children are infected with the Omicron strain,” aniya.
Nagdedebate ang isang health ministry panel kung papayuhan ang mga batang may edad 5 hanggang 11 na ma- inoculate. Kasalukuyang hinihimok nito ang mga may edad na 12 pataas na hindi buntis na tumanggap ng pagbabakuna.
Nakatakdang talakayin ng panel ang procedural specifics, kabilang ang kung paano pinakamahusay na ipaalam sa publiko ang tungkol sa programa, sa susunod na Miyerkules.
Ayon sa mga opisyal, ang vaccine doses para sa mga bata sa age group ay maglalaman ng one-third ng adult dose. Gagamitin ang isang bakuna na partikular na ginawa para sa mga bata sa kabila ng pagiging pareho ng active ingredients.
Nag-apply ang mga pharmaceutical makers noong Nobyembre para sa pag-apruba ng gobyerno ng Japan na ma- inoculate ang mga bata na may edad 5 hanggang 11 sa kanilang pinagsama-samang ginawang bakuna.
Ipinapakita ng data mula sa clinical trials na isinagawa ng Pfizer sa United States at iba pang mga bansa na ang pangangasiwa ng bakuna ay 90.7 porsiyentong epektibo sa pagpigil sa mga impeksyon ng COVID-19 sa age bracket.
Ngunit wala pang sapat na data upang i-verify ang pagiging epektibo nito laban sa variant ng Omicron.