Gov. Koike nananawagan sa publiko iwasan muna ang mga clubs, bars at karaoke,
Nagsagawa ng isang emergency meeting sina Gobernador Koike ng Tokyo noong gabi ng Marso 30 upang manawagan sa mga tao na iwasan muna ang pagpasok sa mga nightclubs at bars sa mga panahong ito, sinasabi na maraming mga kaso kung saan ang impeksyon ay pinaghihinalaang nakukuha at naipapasa sa pagkain at pag-inom sa mga lugar na kung saan ay sinasamahan ang mga customer.
Governor Koike: “Ang mga kabataan ay mahilig sa magpunta sa mga karaoke at mga live houses, mga taong nasa middle aged naman ay kadalasan nasa mga bars at nightclubs.” Patuloy pa rin nilang inaalam ang pangunahing dahilan ng impeksyon at kung ano ang pinakamabilis na paraan ng pagkakahawa o pagpasa dahil hindi pa rin ito nalalaman sa loob ng nakaraang dalawang linggo sa kabila ng patuloy na pagtaas ng positibong bilang sa bawat araw na nagdaraan. Kabilang sa mga ito, inihayag na 30% sa mga positibong kaso ay nahawahan umano sila mula sa mga establisyemento na may serbisyo sa customer, tulad ng mga cabaret club at mga nightclubs.Dahil sa mabilis at patuloy na pagkalat ng new coronavirus, nagpasiya si Gobernador Koike na unti-unting dagdagan ang bilang ng mga kama na gagamitin ng mga nagpositibo na mga tao bilang paghahanda mula sa kasalukuyang 500 na kama hanggang sa 4000 kama.
Source: ANN News