Government expands oversight in public housing
Nagpasya ang pamahalaan ng Japan na atasan ang mga lokal na pamahalaan na mangolekta ng datos tungkol sa nasyonalidad at status ng paninirahan ng mga dayuhang nag-aaplay para sa pampublikong pabahay. Layunin ng hakbang na palakasin ang pag-unawa sa mga lokal na patakaran at mapabuti ang komunikasyon lalo na sa panahon ng mga sakuna.
Ang direktiba ay inilabas ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism at bahagi ng isang pakete ng mga polisiya na inaprubahan noong Enero sa ilalim ng pamumuno ni Punong Ministro Sanae Takaichi.
Inaatasan ang mga munisipyo na kumpirmahin ang impormasyon sa pamamagitan ng residence certificates at mag-require ng emergency contacts na bihasa sa wikang Hapon. Ang pagpapatupad ng patakaran ay nakadepende sa mga pagbabago sa lokal na mga batas.
Source: Kyodo
