Agad na naubos ang stock ng bigas na nakaimbak ng gobyerno ng Japan matapos itong ilunsad para sa pagbebenta ng mga retailer, kabilang ang higanteng e-commerce na Rakuten, nitong Huwebes (29). Nagsimulang ibenta ng Rakuten ang bigas online sa halagang ¥2,138 kada 5-kilogram na bag simula tanghali, at agad itong naubos. Ayon sa isang opisyal ng kumpanya, maglalabas sila muli ng panibagong stock sa lalong madaling panahon.
Samantala, ang grupong Iris Ohyama ay nagsimula rin ng pre-order noong Lunes ng alas-1 ng hapon, ngunit kinailangang itigil ang pagtanggap ng order makalipas lamang ang 45 minuto dahil sa dagsang demand. Inaasahan nilang magsisimula ng bentahan sa mga pisikal na tindahan sa susunod na linggo sa halagang ¥2,160 kada bag.
Sa kabilang banda, hindi nakakuha ng kontrata para sa pagbenta ng stockpiled rice ang ilang malalaking convenience store tulad ng FamilyMart, Seven-Eleven Japan, at Lawson. Ayon sa FamilyMart, muling susubukan ng kumpanya na makakuha ng bigas mula sa gobyerno, sa pagkakataong ito ay mula sa ani ng 2021 sa halip na 2022.
Source: Jiji Press