Business

Governor Koike: “Go To Campaign” ng gobyerno, kinakailangang pag-isipan kung dapat pa nga ba ipagpatuloy dahil sa lumalalang kaso ng hawahan ng corona sa ilang lugar

Kaugnay sa desisyon ng gobyerno na muling pag-aralan ang nauna nilang hakbang na “GoTo Campaign” dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng hawahan sa iba’t ibang lugar. Matatandaang inilunsad nila ang campaign na ito para sa pagsisikap na  maibangon muli ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalawig muli ng turismo at paghihikayat sa mga mamamayan na tangkilikin at suportahan ang iba’t ibang business establishments.

Nagpahayag naman si Governor Koike ng pagsuporta sa desisyong ito ng gobyerno. Sa panahong ito na nagpalabas ng panibagong desisyon ang gobyerno hinggil sa “Go To Campaign” kinakailangan ang kooperasyon at pagtutulungan ng bawat isa upang mapigilan ang tuluyang paglobo ng mga kaso ng hawahan sa iba’t ibang lugar. Sa karagdagan, kinwestyon ni Gov. Koike kung kinakailangan bang muling bawasan ang oras ng operasyon ng mga restawran at iba pang business extablishments. Isinasaalang-alang niya ang magiging resulta kung sakaling isakatuparan ito dahil sa naging impact ng naunang mga panukala upang makaiwas sa lalong pagkalat ng impeksyon sa lugar. aniya, ” Kailangang malaman kung epektibo nga ba ang ganitong pamamaraan.” Ipagpatuloy lamang ang pagsasagawa ng tests para sa mga positibo at ng mabawasan ang mga kaso ng mga malulubhang kaso ng mga nahawahan.

 

Source: ANN NEWS

To Top