Grupo sa Japan, Magsasanay ng mga Manggagawa para sa mga Biktima ng Domestic Violence
Ang All Japan Women’s Shelter Network, isang nonprofit organization sa Tokyo, ay magsisimula ng full-fledged courses upang sanayin ang mga assistance workers for women na dumanas ng domestic at sexual violence.
Sa pagdami ng mga biktima ng naturang karahasan sa Japan sa mga nakalipas na taon, umaasa ang organisasyon na suportahan ang mga ganoong tao sa pamamagitan ng pagpapalakas ng bilang ng mga assistance workers with specialist knowledge.
Ang mga kurso ay nakatakdang magsimula sa Hulyo. Ang organisasyon ay magbibigay ng sarili nitong certifications sa mga nakatapos ng mga kurso.
Ayon sa Cabinet Office, ang bilang ng mga domestic violence consultation sa consultation centers sa buong bansa ay umabot ng humigit-kumulang 190,000 noong fiscal 2020, tumaas ng halos dalawang beses mula sa nakaraang taon. Ang bilang ay nanguna sa 50,000 para sa mga consultation sa sex crimes at sexual violence.
Noong Agosto noong nakaraang taon, itinayo ang All Japan Women’s Shelter Network sa Sapporo, Hokkaido, ang unang training center ng bansa para sa mga manggagawang nagdadalubhasa sa pagtulong para sa mga biktima ng domestic and sexual violence.
Sa training courses na ito, natututo ang mga mag-aaral ng gender theory at legal systems gamit ang online na e-learning platform. Nagsasanay din sila sa pagsulat ng mga application para sa protection orders sa ilalim ng domestic violence prevention law at pagsiyasat ng mga divorce settlement procedure.
Makukumpleto ng mga mag-aaral ang all courses sa loob ng one to three years. Pagkatapos makumpleto, sila ay certified as specialist support workers for domestic and sexual violence victims.
“Marami ang mag-iisip na kahit sino magagawa ang support work, ngunit sa totoo lang, ang legal knowledge ay mahalaga,” sabi ni Chisato Kitanaka, associate professor sa Hiroshima University at co-representative ng All Japan Women’s Shelter Network.
“May kakulangan ng mga taong may sapat na expertise at kakayahan,” dagdag ni Kitanaka.
“Kung wala kang sapat na kaalaman, hahawakan mo ang mga bagay nang may pagkakamali. Kung hindi, maaari kang mawalan ng mga taong pwede mo sanang maligtas, “sabi ni Keiko Kondo, head of the training center, na binibigyang-diin ang pangangailangan na dagdagan ang mga specialist support workers.
Sa isang test version ng training courses, na nagsimula noong kalagitnaan ng Enero ngayong taon, humigit-kumulang 60 katao mula sa buong bansa ang nakibahagi.
Isang kalahok sa kanyang 60s mula sa Sapporo ang nagsabi na ang mga kurso ay nvery informative, na nagpapahintulot sa kanya na mag-aral mula sa mga pangunahing kaalaman kabilang ang historical background ng mga gender issue.
“Nararamdaman ko na gusto kong tulungan ang mga kababaihan na mamuhay ng kanilang sariling buhay ayon sa gusto nila,” sabi niya.
“Maraming tao ang napipilitang pumasok sa isang sitwasyon kung saan nahihirapan silang mabuhay,” sabi ni Kondo. “Umaasa ako na ang mga specialist support worker na aming sinasanay ay makakatulong sa pinakamaraming tao hangga’t maaari na makahanap ng path to recovery.”