General

Gunma: 2 Bagong kaso ng coronavirus infection, Doktor at asawa nito Positibo

Kumpirmado, 2 bagong kaso ng coronavirus infection sa Gunma. Isang doktor at asawa nito ang positibo. Nasa edad 70’s na ang nasabing doktor na nakatira sa Oizumi-Cho. Ayon sa Gunma prefecture, ang doktor ay nagtatrabaho sa isang hospital sa kaparehang bayan kung saan ang isang babaeng nurse ay nagpositibo rin sa virus noong ika-12 ng buwang ito. Nagkaroon na ng ubo at ibang sintomas ang doktor noong ika-4 ngunit nagpatuloy pa ring nagtrabaho at tumingin ng may kabuuang 58 na pasyente. Noong ika-13 sya ay nakaramdam ng bigat ng katawan pati ng pagkahapo at hirap sa paghinga. Sa ngayon ay nasa malalang kalagayan ang doktor samantalang mabuti naman ang lagay ng maybahay nito.

Source: ANN News

To Top