Gunma Leads Japan in Student Bike Crashes
By
Posted on
Nanguna ang Gunma sa Japan sa bilang ng aksidente sa bisikleta ng mga estudyanteng pumapasok sa paaralan. Noong nakaraang taon, 456 aksidente ang kinasangkutan ng high school students, katumbas ng 98.7 kaso sa bawat 10,000 estudyante — mahigit apat na beses sa national average at pinakamataas sa bansa sa ika-12 sunod na taon.
Mayroon ding 140 aksidente sa junior high school students, ang pinakamataas na rate sa Japan sa ikalimang magkakasunod na taon.
Ngayong taon, 1,150 bicycle accidents na ang naitala sa Gunma hanggang noong nakaraang buwan. Palalawakin ng prefecture ang road safety campaigns mula 20 tungo sa 48, na nakatuon sa helmet, paghinto sa intersections at mas maingat na pagmamaneho.
SOURCE: NHK / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
