Gunma, Maebashi: Motorcycle with unlicensed minors crashes into car at dawn
By
Posted on
Isang 13-anyos na estudyante ang malubhang nasugatan matapos bumangga sa isang sasakyan sa isang interseksyon sa Maebashi, madaling araw nitong Martes (ika-7). Siya ang nagmamaneho ng isang motorsiklo nang walang lisensya.
Naganap ang aksidente bandang alas-12:30 ng madaling araw sa Sekine-cho. Nagtamo ng bali sa kaliwang binti ang dalagita. Isang 16-anyos na binatilyo na sakay ng motorsiklo ay nasugatan din. Ang driver ng sasakyan, 61 taong gulang, ay hindi nasaktan.
Wala sa dalawang sakay ng motorsiklo ang may lisensya sa pagmamaneho. Iniimbestigahan ng pulisya ang insidente bilang kaso ng pagmamaneho nang walang lisensya.
Source / Larawan: Gunma TV
