Sa ating makabagong panahon, isa sa mga in demand na trabaho ay ang pagiging caregiver sa Japan. Kaya’t sa isang artikulo na nailathala ng www.philstar.com, ang Japan International Corporation Welfare Services ay nangailangan 300 caregivers na kasalukyang nagtatrabaho sa iba’t-ibang ospital at klinika sa “The Land of the Rising Sun.”
Ang mga caregivers ay dapat nakatapos ng four-year course sa kahit anung kurso. At ang pinakamahalaga sa lahat, -ang mga propesyonal na tagapag-alaga ay kinakailangang magdala ng certificate o katibayan na galing sa Technical Education and Skills Development Authority.
Ngunit hindi lamang ang mga legitimate Pinoy caregivers ang maaaring mag-apply. Pinahihintulutan din ang mga tinatawag na under board nurses at iba pang mga kurso na may kaugnayan dito.
Mga Kwalipikadong Aplikante bilang Filipino Caregivers sa Japan
Ang mga kwalipikadong caregivers ay kailangang magsagawa ng isang online registration sa www.eregister.poea.gov.ph.
Pagkatapos, sila ay pupunta ng personal sa . Noong nakaraang taon, ang mga interesadong aplikante ay binigyan ng hanggang July 10, 2015.
Sakaling sila ay nasa hiring process pa rin, bisitahin ang official website ng POEA para sa mga detalye.
Memorandum of Understanding
Noong mga nakalipas na mga taon, kapwa pumirma ang Japan at Pilipinas ng kasunduan na kung tawagin ay Memorandum of Understanding upang sanayin at bigyan ng trabaho ang mga health professionals na ito. Ang MOU ay nakapaloob sa Philippine Economic Partnership Agreement.
Ayon pa rin sa kasunduan, ang mga kwalipikadong caregivers ay kailangang maipasa ang tinatawag na licensure examinations. Pagkatapos, ang mga successful examinees ay may kakayahang mamili kung sila ay mananatili sa Japan hanggang sa kanilang naisin. Ito ay magbibigay daan sa proseso ng pagpapraktis ng naturang propesyon.
Samantala, kung naghahanap pa kayo ng ibang lugar sa Japan na nangangailangan ng mga caregivers, magtungo lamang sa POEA dahil itinalaga ito ng Japan at Pilipinas upang maging opisyal na mamamahala sa recruitment and deployment ng mga certified Filipino caregivers.
image credit: www.japantimes.co.jp