“Gyoza no ohsho” may charity move para sa mga batang tinamaan ng covid
Isang gyoza chain store ang naglabas ng isang charity move na sumusuporta sa mga batang apektado ng corona virus. Ang ” Gyoza no Ohsho” ay nalagay din sa isang mahirap na sitwasyon tulad ng iba pang negosyo dahil sa pandemya. Sa ngayon naglabas sila ng special menu na pwede ng mabili at maitake-out sa pamamagitan ng special containers na sinadya para sa take-outs. Hindi katulad noon na hindi pwedeng maitake-out ang mga ramen, dahil rito ay posible ng makaorder at maiuwi sa bahay ang mga ramen menu, tulad na lamang ng ramen na may 6 na klaseng gulay, sumatotal ay nasa 350grams ito. Ang promo na ito ay para lamang sa buwan ng Marso. Sa katunayan ang event na ito ay nagmula ayon sa General Manager of Sales Division Hiroshi Kadobayashi: ” ang menu na ito ay orihinal na nagsimula noong mga panahon na kasagsagan ng Great East Japan Earthquake kung saan nagumpisa ang pagluluto ng menu na ito sa kanilang store sa Sendai 5 taon na ang nakakaraan. Ang 30yen mula sa bawat order nito ay direktang idodonate. Ngayong taon, ang napili naman nilang suportahan ay mga bata mula sa lahat ng fastfood chain nila nationwide.
https://youtu.be/Mxp8ItIryr8
Source: ANN NEWS