H & M stores nakatakdang magsara ng 300 branches sa susunod na taon
Inihayag ng clothing giant H & M na nagmula sa Sweden ang plano na isara ang 250 na mga tindahan sa susunod na taon dahil sa epekto ng coronavirus at paglilipat ng mga items online. Ang H & M ay may higit na 5,000 na mga branches sa buong mundo, ngunit inaasahan na ang bilang ng mga tindahan ay bababa sa halos 300 sa susunod na taon, kasama na ang naipahayag na 50 na mga branches na nauna ng magsasara. Ang epekto sa mga tindahan sa Japan ay hindi pa alam ang status sa ngayon. Habang patuloy na kumakalat ang impeksyon ng coronavirus, planong isara ang mga pisikal na tindahan at bigyan ng pokus ang pagbebenta online, na higit na mas madali at mas tinatangkilik ngayong panahon ng pandemic. Maraming mga tindahan ng H & M ang sarado dahil sa nangyayaring paglolockdown at quarantine sa mga lungsod sa Europa at Estados Unidos, at ang resulta ng ekonomiya mula Marso hanggang Mayo ay hindi maganda. Bagaman bahagyang nanumbalik ang sigla sa sales ng kumpanyan mula Hunyo hanggang Agosto, napagpasyahan na kinakailangang patibayin ang mga susunod na na hakbang upang mas patatagin ito.
https://youtu.be/Bf0mk8AmNyA
Source: ANN NEWS