STARBUCKS JAPAN: New Halloween Drink Starbucks
ay maglalabas ng dalawang bagong inumin upang salubungin ang pagdating ng Halloween. “Halloween Red Night Frappuccino” and Halloween Masquerade Raspberry Mocha” ipagbibili sa tindahan ng Starbucks sa buong Japan Simula Oktubre 11. Ang Halloween Red Night Frappucino ay nakakakuha ng pansin para sa mga nakamamanghang hitsura at tema nito tungkol sa Masquerade Ball. Ang inumin ay pula na gawa sa raspberry, blackberry at strawberry syrup na nagbibigay ng acidic touch. Ang Frappuccino ay halo-halong puting tsokolate brownies, berries syrup at pinalamutian ng whipped cream na pinatungan ng cocoa powder at maraming pang syrup ng berries. Ang laki ay kakaiba at ito ay nag kakahalaga ng ¥590. “Halloween Masquerade Raspberry Mocha” ay isang inuming inihanda na may espresso at wild berry syrup. Inirerekomenda para sa mga nagnanais ng “White Mocha” mula sa menu ng starbucks.Ang inumin ay nag kakahalaga ng ¥450 hanggang ¥570 depende sa sukat . Ang bagong inumin pang Halloween ay ibebenta Oktubre 11 hanggang 31. Sa Oktubre 18 sa umpisa ng paglubog ng araw ay tatanghalin ang “Masquerade Night” tema ng inumin para sa mga customer upang makakuha ng higit na pakiramdam o kondisyon para sa Halloween.
Source:My Navi News