Haponesa, sinabunutan at sinaktan ng isang babaeng Palestina
Isang haponesa na nagtatrabaho sa isang NGO ( non-govermental organization ) sa Palestinian Autonomous Region ng Middle East ang ininsulto at sinaktan habang sinisigawan ng ” Corona, Corona”, ng isang babaeng Palestina na inaresto naman ng mga pulis. Ayon sa isang lokal na media, ang haponesa ay nagtatrabaho sa isang NGO na sumusuporta sa mga Palestina, at ininsulto habang naglalakad sa kayle ng 1st Ramallah. Palestinian Autonomous Region. Ang babaeng palestina ay agad na sumugod at sinabunutan ang haponesa nang makita nito na hawak ng haponesa ang smartphone nito at tila ba ay kumukuha ng larawan o video, inaresto ang babaeng palestina sa kaso ng pananakit. Gayunpaman wala namang naiulat na kaso ng covid sa Palestinian Territories ngunit mayroong 12 na kaso sa Israel ang naitala.
Source: ANN NEWS