News

Heatstroke cases surge, exceeding 4,500 in Japan

Matinding tumaas ang bilang ng mga kaso ng heatstroke sa Japan sa pagitan ng Hulyo 6 at 12. Ayon sa Fire and Disaster Management Agency, 4,580 katao ang isinugod sa mga ospital sa loob ng isang linggo, mahigit tatlong beses na mas mataas kaysa sa naitalang bilang noong nakaraang linggo.

Kasama sa ulat ang pitong nasawi, 1,866 malubha o katamtamang malubhang kaso, at 2,652 banayad na kaso. Nanguna ang Fukuoka sa dami ng mga pasyente na may 456 kaso, sinundan ng Tokyo na may 255, at Osaka na may 230.

Sa Aichi, karagdagang 33 katao ang naospital hanggang Martes ng hapon (Hulyo 14), habang 15 kaso ang naitala sa Shizuoka at 19 sa Gunma. Karamihan sa mga naapektuhan ay 65 taong gulang pataas.

Nagbabala ang mga awtoridad na mananatili sa mapanganib na antas ang heat index sa iba’t ibang bahagi ng Japan sa mga susunod na araw at hinihikayat ang publiko na mag-ingat laban sa matinding init.

Source: NHK

To Top