General

“Heatstroke”,uso sa mga matatandang may Dementia.

20110913.152111_st_dementia_bgAnu nga ba ang dementia? Ang Dementia ay isang uri ng sakit na pagkamakakalimutin na mas malubha pa sa madalas nating naririnig na “alzhemier’s disease”. Ito ay madalas na nagiging sakit ng mga matatanda dito sa Japan maliban sa hiblad at sakit sa puso at diabetes.

Sa ginawang pananaliksik ng NHK ay napatunayan na hindi bababa sa 120 na matatandang dinala sa 23 wards ng Tokyo hospitals na pinaghihinalaang may sakit na “Dementia” nitong nakaraang tag-init, ay ginamot mula sa sakit na  “heatstroke”.

n-dementia-a-20141105-870x580Karamihan ay mga matatanda at nabubuhay na nag-iisa. Maraming nakitang walang malay tuwing binibisita ng kanilang mga caregivers.Ang ilan sa mga pasyente ay nilalagay na ang kanilang mga air conditioner sa heating mode, at ang iba pa ay nagsusuot na ng pang-taglamig na damit, dahil sa na rin sa pagiging makakalimutin.

Si Kumiko Nagata ay isang senior researcher sa Research and Training Center Dementia Care Tokyo. Ayon kay Nagata, ang paggamit ng operating air conditioner remote control ay mahirap para sa mga matatanda na may sakit na dementia, na ang mga matatandang may pagkamakakalimutin, minsan ay hindi na nila kayang piliin ang tamang damit. Sabi din niya na ang pag-aayos mga temperatura sa silid ay maaaring maging isang malubhang problema para sa mga tao, sa taglamig pati na rin sa tag-araw.

amazing-village-just-for-people-with-dementia-lets-them-live-normally-and-safelyIdinagdag pa niya na ang mga miyembro ng pamilya, mga manggagawa sa komunidad at technicians o caregivers ay dapat na panatilihin ang isang maingat na pagbabantay para sa mga taong may mga sakit na dementia.

To Top