General

“Hidden influenza” tinuturong dahilan sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga apektado

“Hidden influenza”

Sa loob ng tatlong linggong pagtutok sa kaso ng epidemyang dulot ng influenza. Kamakailan lang nadiskubreng hindi naitala ang ilang bilang sa kadahilanang hindi nakikita ang ilang mga sintomas nito kung kaya’t hindi ito naisama sa outbreak.
Sa video ng pagsusuri ng influenza epidemic level, makikita na ang kabuuan ng mga lugar na apektado ng influenza ay kulay pula na kung saan ito ay maituturing na nakakaalarma. Dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng apektado sa iba’t ibang health establishment sa buong japan. Sinasabing ang dahilan ng patuloy na pagtaas ng impeksyon ay dahil sa  hindi nakikitang sintomas sa mga taong apektado nito ngayong taon.

Sinasabing ang sintomas ng pagkakaroon ng influenza ay: pagkakaroon ng mataas na lagnat (39 degrees pataas), pananakit ng ulo, muscle pain,panghihina ng katawan, runny nose at ubo

Ngunit ang sintomas ng influenza ngayong taon ay naiiba. May mga pasyenteng positibo sa influenza ngunit walang lagnat o sipon. May isang pasyente na positibo sa influenza na may 37.5 na body temperature at kinabukasan at bumalik sa normal. Walang anumang nararamdamang kakaiba sa katawan o kahit sipon o ubo man lang. Napag-alaman sa pagsusuri na ang ganitong uri ng influenza ay Influenza type B na kung saan ngayong taon ay napakaraming apektado.

Napakahirap madetect ng ganitong uri ng influenza dahil sa mild symptoms  nito kung kaya’t bago pa malaman ng iba ay huli na at marami ng nahawa. Maging ang mga indibidwal na nabakunahan na ay hindi ligtas sa Type B Influenza.

Ayon sa isang doktor, anumang kakaibang mararamdaman sa katawan ay hindi dapat ipagwalang-bahala. Kinakailangan magpasuri kahit sinat man lang dahil baka ito ay hindi simpleng lagnat lang dahil sa panahon kundi Type B influenza na pala.
Maiiwasan ang pagkalat nito kung susundin ng nakararami ang basic prevention sa pagkalat nito. Ugaliin ang paghuhugas lagi ng kamay matapos manggaling sa labas o makisalamuha sa iba, mag-gargle o personal mouth hygiene at sanayin ang sarili sa pagsusuot ng mask.
https://www.youtube.com/watch?v=v4DFXet6Y40

Source: ANN News

“Hidden influenza” tinuturong dahilan sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga apektado
To Top