High demand changes distribution of Gunma passport
Binago ng Pamahalaang Panlalawigan ng Gunma ang sistema ng pamamahagi ng GUNMA PASSPORT booklet at gagamit na ngayon ng lottery system matapos suspindihin ang naunang first-come, first-served registration dahil sa napakataas na bilang ng mga nag-access noong huling bahagi ng Hunyo.
Isasagawa ang pagpaparehistro mula Hulyo 9 hanggang 15, eksklusibo sa pamamagitan ng opisyal na LINE account ng pamahalaang panlalawigan. Ang resulta ng lottery ay ipapaalam nang paisa-isa sa mga kalahok sa Hulyo 17. Sa yugtong ito, 20,000 kopya ng booklet ang ipamamahagi.
Magsisimula ang pamamahagi sa mga napili sa Hulyo 18 sa tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Gunma. Mula Hulyo 21, magiging available rin ang pamamahagi sa mga opisina ng Gunma sa Tokyo at Osaka. Ayon sa pamahalaan, maaari pa nilang dagdagan ang bilang ng ipi-print na booklet depende sa dami ng kahilingan sa bagong yugto ng programa.
Source: Mainichi Shimbun / Larawan: Provided by Gunma Prefecture
