HIKING ACCIDENTS SA BUNDOK: PINAKAMATAAS NUONG 2023
Ang bilang ng mga taong naaksidente sa kabundukan noong nakaraang taon ay umabot sa pinakamaraming bilang na 3,568, kabilang ang 145 na mga dayuhan na siyang pinakamataas na bilang na naitala.
Noong nakaraang taon, ang bilang ng mga taong naaksidente sa kabundukan sa buong bansa ay umabot sa 3,568, ang pinakamataas na bilang na naitala. Sa darating na peak ng summer hiking season, nananawagan ang National Police Agency na gumawa ng ligtas na plano at magdala ng sapat na kagamitan kapag pupunta sa hiking.
Ayon sa National Police Agency, noong nakaraang taon, ang bilang ng mga taong naaksidente sa kabundukan sa buong bansa ay umabot sa 3,568, tumaas ng 62 kumpara sa nakaraang taon, at ito ang pinakamataas na bilang mula noong 1961 kung kailan nagsimula ang pagtatala ng mga datos. Ang bilang ng mga namatay at nawawala ay umabot sa 335, tumaas ng 8 mula sa nakaraang taon.
Sa detalye ng mga naaksidente ayon sa edad, ang pinakamalaking bilang ay mula sa mga nasa 70s na umabot sa 790, kasunod ang mga nasa 60s na umabot sa 706, at ang mga edad 60 pataas ay bumubuo ng 49% ng kabuuan.
Ayon sa mga prefecture, ang Nagano Prefecture ang may pinakamataas na bilang na umabot sa 332, kasunod ang Hokkaido na may 245, at Tokyo na may 233. Marami ang naaksidente sa mga kilalang tourist spots tulad ng Mt. Fuji at Mt. Takao.
Ang bilang ng mga dayuhang naaksidente ay umabot sa 145, ang pinakamataas na naitala, at ang bilang ng mga namatay at nawawalang dayuhan ay umabot sa 11.
Ang insidente ng pag-aaksidente sa kabundukan ay patuloy na tumataas hanggang 2018 dahil sa hiking boom ng mga middle-aged at elderly, at bumaba sandali dahil sa epekto ng paglaganap ng COVID-19, ngunit muling tumaas.
Sa darating na peak ng summer hiking season, nananawagan ang National Police Agency na pumili ng bundok na angkop sa kanilang kalakasan at karanasan, gumawa ng ligtas na plano, at magdala ng sapat na kagamitan kapag pupunta sa hiking.
NHK NEWS
June 13, 2024
https://www3.nhk.or.jp/news/html/20240613/k10014479531000.html