Entertainment

Hindi daw totoo ang dayaan sa botohan? Ano ito?!

Botohan o Kalokohan: May mga naguumpisang kumakalat sa social media na larawan umano ng kopya ng resibo ng kanilang boto na  galing sa  embahada ng Pilipinas sa ibang bansa. At ayon sa mga apektadong personalidad ay hindi umano lumabas ang pangalan ng ibinoto nila magmula sa presidente at iba pa? Ngunit ang nakakapagtaka ay bakit may ilang pangalan ng kandidato na verified at nababasa ng machine pero may mga “undervote” namang lumalabas sa ibang pangalan. Hindi nga ba ito maituturing na pandaraya? O baka nagkataon lang na sira ang machine? Sino ang dapat sisihin? Ano ang dapat gawin kung sakaling mangyari ito? Ano ang aksyon ng mga opisyal ng Comelec at BEI dito? Uulitin ba ang pagboto? Ito ay ilan sa mga katanungan ng ating mga concerned citizens na kababayan dahil animo ay para silang dinaraya at para sa kanila ay masasayang lamang ang kanilang oras sa pagboto kung sakaling ganito na nga ang kalakaran at pamamaraan ng nasa pamahalaan.

Tulad na lang ng nasa larawan na ito:12992086_10153388274177554_697144114_n

Kinunan ni Ms. Vivian Bataanon  ang larawang ito bilang paninigurado na mayroon syang hawak na ebidensya sa kanyang pagboto ngunit nadismaya lang sya ng makita na halos karamihan ng ibinoto nyang pangalan ay hindi lumabas.

Giit naman ng opisyal ay kauna-unahan syang kaso ng “error” umano sa machine. Ngunit wala namang sinabing uulitin ang pagboto o di kaya kung ano ang gagawin at saan mapupunta ang binoto nya kung kaya’t inihayag ng taong nagmamayari ng larawan ang kanyang galit at pagkadismaya sa pangyayari.

Nang malaman ito ng iba pang fb users ay biglang nag-init na naman sa social media ang isyu sa dayaan at mariing pinupuntirya ang mga naiisip nilang utak sa likod nito na kabilang sa matataas na personalidad at may ilan pang sinisisi ang ibang presidential candidates.

basahin dito ang kabuuan ng testamento nya ukol sa pangyayari.

13014790_10153388274527554_299290294_n

Ngayon ang tanong ano ang mainam na solusyon para dito? Kung magpapatuloy ang ganito papaano na lang ang kinabukasan ng sambayanang pilipino? Hindi kaya magresulta na naman ang ganitong klaseng aksyon sa gulo sa karamihan?

 

To Top