News

“Hindi pinupulot ang pera sa ibang bansa”

Kamakailan lang ay nagviral sa social media ang isang post ng isang netizen na si Mharlon Prieto Rioveros, at inabot na ng 31K shares ang naturang post.

Bakit? Dahil karamihan sa ating mga kababayan na nakatira sa ibang bansa ay hindi nagbubuhay mayaman. Marami ang nakakarelate dahil totoo nga naman.

“Hindi Pinupulot ang pera sa ibang bansa.”

Pinaghihirapan yan, minsan may mga sumasala pa ng pagkain at sobrang pagtitipid sa sarili may maipadala man lang na malaki-laking halaga para sa pamilya o kaanak na nasa pilipinas.

Kadalasan ang mga naiisip ng mga kaibigan, kakilala o kahit maging mga kamag-anak na natin mismo sa pilipinas. Komo porket tayo ay naninirahan sa ibang bansa eh mas maginhawa na ang buhay. Ang hindi nila alam, pinaghihirapan din natin ang kumita.

Mas malaki nga lang kung tutuusin kumpara kung tayo ay manirahan sa pilipinas at doon maghanapbuhay, pero hindi yun sapat na dahilan upang abusuhin ang ating kabaitan at ang palagiang paghingi ng saklolong pinansyal lalo na kung ito ay para sa kanilang mga sariling pamilya.

Hindi naman pagdaramot ang unahin ang sariling pamilya at buhay muna bago tayo mag-ala pulitiko sa kakapamudmod ng salapi. Pwera na lang kung kayo ay mayaman at maraming ekstra, “share the blessings” ika nga.

basahin nyo dito ang aktwal post sa fb at kayo na ang humusga:

” haha. 
hnd nmn namin pinupulot ung pera sa ibng bansa.
natulungan na kita isang beses.
kea ok na un. 
abusado ka na masyado.
nag aswa ka kaagd tapos hnd mu magampanan ang pagging ama mu.
maghanap ng trabaho hnd un aasa ka sa panghhingi.
#nakkawalangganapagganyan “

Source: facebook.com/BORNOK.P.RIOVEROS

ctto: google for the pic

“Hindi pinupulot ang pera sa ibang bansa”
To Top