Kumamoto Earthquake- Dahil sa sunod sunod na paglindol at pagyanig sa Kumamoto prefecture, Hindi nakaligtas ang isa sa historic sites nila na tuluyang gumuho sa pangalawang lindol noong April 16, 2016 na may Magnitude 7.3.
Maraming buhay ang nawala at libo-libong residente ang apektado, walang maayos na supply ng kuryent at tubig sa mga kabahayan, ang mga kalsada at uka- uka at may ilang gumuho ng tuluyan, dahilan upang hindi na magamit pa upang magsilbing daanan para sa mga maghahatid ng tulong na kailangan ng mga residenteng nananatili sa mga evacuation centers.
Magpasahanggang ngayon ay wala pa ring final na bilang ng mga namamatay dahil hindi pa natatapos ang search and rescue operations ng mga awtoridad. Nagdagdag na sila ng bilang mula sa 15,000 ay ginawa nilang 25,000 upang mas mapabilis ang serbisyo at masiguro ang kaligtasan ng pangkalahatan lalo na ang matatanda at bata.
narito ang mga larawan ng before at after ng paglindol sa kumamoto, Tignan nyo kung gaano kalakas ang impact ng lindol na ito na syang sumira hindi lang ng mga kabahayan at main roads kundi maging ang iba pang buildings at lalong lalo na ng mga sagradong lugar na maituturing na isang yaman ng kasaysayan para sa mga Lokal ng bansang Japan.
Nangyari ang ikalawang lindol noong gabi ng sabado pero ang pinsala ay hindi pa naitatala hanggang makita ng lahat sa pagsikat ng araw kinabukasan.
Hindi lang lindol ang ikinakatakot ng mga awtoridad para sa kaligtasan ng nakakarami, kaya pinilit ilikas ang mga residente dahil na rin sa hindi magandang panahon ngayon sa lugar dala ng malalakas na hangin at ulan na maaaring magresulta sa landslides mula sa mga gumuhong lupa mula sa mas mataas na lugar.
Idagdag pa ang pagiging aktibo ulit ng Pinakamalaking aktibong bulkan sa Japan, ang Mt. Aso na nagkaroon ng slight eruption noong sabado, nagbuga ito ng usok 100 metro ang taas at ngayon ay nasa alert watch ng mga opisyal na sinasabing nasa stable na level 2 lamang ang activity nito.
Samantala heto naman ang larawan at video clips mula sa himpapawid upang maipakita ang extent ng damage ng lindol sa isa pang Historic Site: Kumamoto Castle.
Hindi rin nakaligtas ang Kumamoto castle sa pinsala ng lindol ngunit mga pader at pundasyon pa lang ang nagigiba ang pinapangambahan nila ay ang tuluyang pagbigay ng mga ito na syang pwedeng maging dahilan ng pagbagsak ng buong Kastilyo.
Ang Kumamoto castle ay tinatayang nasa 400 year old na, ayon sa repor ang contruction ng mga concrete details ay ginawa noong 1960’s tinatayang ang stonewalls nito ay originally constructed as early as 17th century kung kaya ito ay isa sa mga historic sites na itinuturing ng mga lokal at yaman ng kanilang kasaysayan.
Temporary Closed to public ang lugar hanggang sa masigurong naisaayos na lahat at wala ng pangamba sa kaligtasan ng mga turistang nais magpunta at makita ang lugar na ito.
Source: Gma news, PhilStar,Rocket news
You must be logged in to post a comment.