Japan’s invigorating cultural identity is best personified by various traditional Japanese fashion statements like those elegant kimonos and other kinds of clothing that are commonly influenced by Western countries. These are mainly used for momentous ceremonies, special events, funerals and other festive activities. Despite the sudden and catalytic emergence of modern fashion statements, the kimono has remained to be a living legend of Japan’s dynamic constitution of impeccable aesthetics and world-class beauty and glamour then and now.
Background History of Traditional Japanese Fashion Statements
Sa paglipas ng mahabang panahon, ang mga moderno at tradisyunal na mga pananamit ng mga Hapones ay naging malaking bahagi ng Kanluraning impluwensiya mula pa noong 1850. Una sa lahat, dapat nating malaman na ang pinakatanyag na kasuotan sa Japan ay unang nagpakitang gilas noong Jōmon Period mula 14,000 BC. Ang kasuotang ito ay hindi nagpahiwatig na tuwirang pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ngunit ang bansang ito ay sadyang di tumigil upang tuklasin ang mga bagong hamon sa larangan ng pananamit. Ang mga westernized influences ay sinimulang ipakilala ng mga armies at navies ng shogun.
Noong 1850’s, sila ay sumubok magsuot ng mga woolen uniforms para sa mga marino na may lahing Ingles na nakatira sa Yokohama. Ngunit di naging madali ang produksiyon sapagkat ang mga telang ginagamit dito ay pawang inaangkat. Magkagayunman, ang pampublikong sektor ay ang pinakamasigasig na nagtaguyod ng mga woolen-made na kasuotan.
Bilang karagdagan, ang mga tinatawag na bureaucrats at ang mga sikat na couturiers ay inatasang manamit ng naaayon sa Kanluraning mga pamantayan dahil ito raw ay mas praktikal kumpara sa kanilang nakagisnan. Sa sektor ng edukasyon, ang Japanese Ministry of Education ay mahigpit na ipinatupad ang Western style of clothing and fashion sa mga pangunahing unibersidad at pampublikong mga paaralan.
Samantala, ang mga negosyante, guro, mga bangkero at iba pa ay nagsusuot ng mga damit na binabagayan ang mga social functions na pangkaraniwan nilang dinadaluhan. Bilang pagwawakas ng artikulong ito, ang mga westernized methodologies of fashion ay lalo pang naging maningning matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Attribution:
By Joi Ito from Inbamura, Japan (Performing Gion Kouta) [CC BY 2.0], via Wikimedia Commons