Hokkaido: Emergency Declaration magtatapos na sa March 19
Inihayag ni Hokkaido Governor Naomichi Suzuki na ang emergency declaration sa lugar ay magtatapos na sa Marso 19. Kasabay nito, hinihimok niya ang lahat na huwag munang tumuloy sa mga lugar na may mataas na peligro ng impeksyon.
Ayon sa Governor ng Hokkaido, Naomichi Suzuki: “Ang Emergency Declaration ay magtatapos sa Marso 19 tulad ng naka-iskedyul at tayo ay aabante sa isang bagong yugto mula ika-20 upang malampasan at makalimutan ang krisis na dulot ng new coronavirus infection.” Napigilan ang pagkalat at pag-lala nito, “aniya, pagkatapos ng 20 araw. Hindi kami humihiling ng isang voluntary self-restraint sa loob ng 3 linggo, ngunit humihingi kami ng dobleng pag-iingat na huwag lumabas kapag mayroong mga sintomas na mararamdaman at iwasan ang pagpunta sa isang lugar kung saan maraming tao ang nagtitipon at mahirap na bentilasyon.May 154 na nahawaang tao sa Hokkaido, kung saan 73 ang naiulat na nakarecover at gumaling.
Source: ANN News