Health

HOKKAIDO: Emergency

Nagdeklara ng state of emergency ang Hokkaido dahil sa mabilis na paglaganap ng corona virus sa kanilang isla.
Sinabi ni Governor Naomichi Suzuki na magtatagal ito hanggang sa kalagitnaan ng Marso at hinihikayat ang lahat ng residente na wag muna lumabas hangga’t maari magpirmi muna sa bahay upang maiwasan ang mas lalong paglala ng lalong pagkalat ng virus sa buong isla.
Umakyat na sa 63 katao ang positibo sa kasalukuyan. Ito na ang pinakamataas na bilang ng nahawahan sa buong bansa.
Samantala, agarang ipinasara muna ang lahat ng paaralan sa buong Japan na maaring magtagal hanggang sa katapusan ng Marso.
Source: NHK

To Top