General

HOKKAIDO MALL: 1 WOMAN DEAD, 3 INJURED

HOKKAIDO – Isang knife-wielding man ang nanaksak ng apat na babae sa isang shopping mall sa Kushiro, Hokkaido kahapon araw ng Martes ika-21 ng Hunyo. Isa ang patay at tatlo ang sugatan ayon sa mga pulis.

Ang suspek ay naaresto mismo sa pinangyarihan ng krimen. Ayon sa isang residente ng Kushiro, ang suspek ay may sakit sa pag-iisip. Sinabi naman ng suspek sa mga pulis na pinagsasaksak niya ang mga babae dahil wala siyang pakialam kung mabitay siya.

Sinugod ng suspek ang mga biktima sa ganap na 3:15 ng hapon ayon sa mga pulis.

Nakilalang ang namatay na biktima ay si Masako Tonuma, 60-taong gulang. Ang biktima ay nagtamo ng saksak sa dibdib na kaniyang ikinamatay. Samantala, isang babaeng nasa edad 70-taong gulang naman ay nagtamo ng saksak sa hita at ang dalawa nama’y nagtamo ng kaunting sugat.

Sinasabing isa sa mga naging biktima ay empleyado ng mall at yung tatlo ay pawang mga kostumer lamang, ayon sa Aeon Hokkaido Corp..

SOURCES: ANN NEWS, YOUTUBE.

#Japinoy #Japinonet

 

To Top