Hokkaido, Okayama at Hiroshima sasailalim sa state of emergency simula ngayong araw
Simula ngayong araw ika-16 ng Mayo, inihayag na ang Hokkaido, Okayama, at Hiroshima ay sasailalim sa state of emergency, ang 3 nabanggit na prefectures ay muling lilimitahan ang mga food business na bawasan ang oras ng pagbubukas pati na rin ang paglabas ng mga mamamayan.
Pahayag ni Gov. Naomichi Suzuki: ” Upang maprotektahan ang mga pamilya, kaibigan pati na rin ang mga sarili, kinakailangan na ang bawat isa ay seryusohin ang masusuing infection prevention actions.”
Sa ilalim ng state of emergency, ang Hokkaido ay magpapatupad ng restriksyon sa paglabas at pag-galaw sa loob ng Hokkaido. Mas paiigtingin ang mga rekwest na pansamantalang isara ang mga restaurant na pangunahing nagpapainum ng mga alak pati na rin ang mga karaoke, partikular sa Sapporo City, Otaru City, Ashikawa City, at iba pa.
Dagdag pa ni Governor Hidehiko Yuzaki ng Hiroshima Prefecture: ” Ito ay isang mabigat na pasanin, pero kinakailangan itong gawin upang mabawasan ang patuloy na pagkalat at pagtaas ng mga kaso ng hawahan dito.” Sa Hiroshima, hiniling na pansamantalang magsara ang mga restaurant at iba pang establisyimento na nagseserve ng alak at mga karaoke facilities.
Sa Hiroshima at Okayama ay nagkaroon din ng rekwest na ang mga pasilidad na may kabuuang floor area na 1,000 square meters o higit pa ay magbawas ng oras ng operasyon samantalang ang iba naman na aabot sa 10,000 square meters na floor area ay magsara sa mga araw ng sabado at linggo.
https://youtu.be/Ygeq3OQiw30
Source: ANN NEWS