Culture

Holidays in Japan

Holidays in Japan

Ang mga Japanese sa kabuuan ay sadyang masisipag magtrabaho upang ang kanilang kabuhayan ay lubos na umunlad at makadama ng kaginhawaan sa mga darating na panahon. Pero hindi naman all work and no play ang mga Hapon. Mayroon ding mga national at public holidays in Japan na kailangang sundin sapagkat ito ay nakasaad sa kanilang batas at tradisyon mula pa nung nakalipas na panahon; kasama na rito ang mga annual nationwide events at ang mga local annual festivals.

Kung ang isang Japanese holiday ay Linggo, ang kasunod na araw nito ay walang pasok.; gayun din, ang mga sandwiched national holidays. Sa kasunod na araw ay dapat na magpahinga ang kanilang mamamayan. Sa mga ganitong pagkakataon, ang iba’t –ibang establisamento tulad ng mga shops at restaurants ay bukas maliban kung Bagong Taon.

Holidays in Japan

Ilan lamang ito sa mga pinakatanyag na holidays in Japan. Alamin at pakatandaan ang mga ito upang ikaw ay maging pamilyar sa kung kailan at paano ito ipinagdiriwang ng mga Hapones.

  • New Year’s Day – Ito ang pinakamahalagang national holiday sa Japan. Lahat ng negosyo ay sarado sa araw na ito hanggang January 3. Ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga tinatawag na bonenkai parties or year forgetting parties. Ang mga bahay ay punung-puno ng mga palamuti na gawa sa pine, bamboo at plum trees. Samantala, ang mga damit ay sadyang makukulay.
  • The Coming of Age Days – Ipinagdiriwang ito tuwing ikalawang Lunes ng Enero. Ang national holiday na ito sa Japan ay nagsimula noong 1948. Sadyang isinabatas ito upang malugod na batiin at ipagmalaki ang mga taong sumapit na sa Age of Maturity anuman ang taon na kinapapalooban nito. Sa orihinal nitong pagdiriwang, ito ay ginaganap tuwing ika-labing lima ng Enero. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang petsa nito ay pinalitan at ginawang ikalawang Lunes ng Enero.
  • Foundation Day – Tuwing sasapit ang Pebrero 11, ito ay opisyal na ipinagdiriwang sa Japan upang payabungin ang pagmamahal para sa kanilang bansa. Mula 1872 hanggang 1948, ito ay tinaguriang Kigensetsu.
  • Vernal Equinox Day – Ito ay itinatag o isinabatas noong 1948 bilang lubos at walang kahulilip na paghanga sa kalikasan. Sinasagisag din nito ang pagmamahal ng tao sa lahat ng nilikhang may buhay.

Ilan lamang ang mga ito sa opisyal na holidays in Japan na nagpapahiwatig na ang bansang ito ay may malalim na pagpapahalaga sa kultura, ideolohiya at kasaysayan na siyang matibay na moog na kanilang kaunlaran.

To Top