Karamihan sa ating mga nanay kapag nakapag-asawa na at nagkaroon na ng mga anak ay hindi na nakakapagtrabaho dahil tayo ay nagiging abala na sa pag aalaga ng mga bata at sa mga gawaing bahay. Pero sa isang banda, alam nating kahit papano ay dapat nating tulungan si Mister sa mga pinansyal na pangangailangan. Kaya mommies, wag ng malulumbay dahil narito na ang ilan sa mga home based work for moms with kids na pwedeng-pwedi nating gawin sa bahay habang ginagampanan ang atin pagiging ilaw ng tahanan.
Nariyan ang mga Work at Home Sites na maaari nating pagpilian:
- Transcriber – Ito ay isang trabaho kung saan isusulat kung ano ang mga sinasabi ng speaker sa isang video o audio file na papanoorin or pakikinggan. Dapat ay may matalas kang pandinig at mabilis kang mag-type para sa trabahong ito. Kailangan mo din ng mabilis na Internet at magandang headset. May mga ibang uri ng transcribers depende sa fields tulad ng medical transcription at legal transcription.
- Data Encoder – Isa itong trabaho kung saan ikaw ay aatasang itype or iencode ang mga inpormasyon na kailangan ng kliente katulad ng reports, meetings, schedule, at customer information. Bilang data entry specialist, dapat ay tamang inpormasyon ang iyong isusulat at dapat mabilis ka din mag-type.
- Virtual Assistant – Ito ay katulad ng secretarial related work at may kahalintulad na responsibilities din sa mga data encoding or data entry jobs.
- Content Writer – Sa trabahong ito, ikaw ay magsusulat ng mga articles base sa pangangailangan ng kliente. Dapat din malikhain ka dahil bawal dito ang copy paste. Maari kang magsearch sa Google o anumang search engine ng related articles as reference at gumawa ng sarili mong article base sa references na iyong nabasa
- Call, Email, and Chat Support. Kung meron kang background sa customer service at technical support, lalo na sa isang call center company, maaari kang maging support agent.
Meron pang ibang web design and development, graphic design, illustration, accounting, at iba pa.
Kung mahilig kang mag-blog, maaari ka ring magsimula ng isang blog at kumita sa mag advertisement at affiliate links. Subalit hindi ito kasing profitable ng mga trabahong binanggit kanina maliban na lamang kung mag-grow ang iyong blog.
Makakahanap ka nga home based job sa pamamagitan ng mga websites tulad ng Upwork.com, Freelancer.com, Fiverr.com, Staff.com, at iba pa.