Hospital management sa Japan, apektado rin dahil sa coronavirus
Malinaw na lubhang nakaapekto sa hospital managements ang impluwensya ng pagkalat ng coronavirus. Nasa halos 80% ng mga hospital na tumatanggap ng infected patients ang nanganganib dahil sa pagbaba ng income dahil dito simula pa noong buwan ng abril. Nang sinuri ng Japan Hospital Association at ng iba pa ang management status ng nasa 1,200 na mga ospital nitong abril, 67% sa mga ito ang nasa red alert ng pagbagsak kung saan mas mataas na bilang kumpara noong nakaraang taon na nasa 45% lamang. Sa 340 na ospital na tumatanggap ng mga corona positive patients, 78% dito ang nasa red alert. Ito ay maari sa kadahilanang lubhang pagbaba ng mga outpatients at inpatients simula noong Marso kung saan biglang pagsiklab ng mga kaso ng hawahan sa kabuuan ng Japan, idagdag pa ang pagtanggap ng mga infected patients at pagtanggi sa ilan para sa medical examinations. Ang gobyerno ay gumagawa ng mga kaukulang hakbang tulad ng pagtataas ng medical fee para sa mga taong positibo at iba pang suporta mula sa medical-related organizations.
Source: ANN News