Sa panahong ito, napakaraming online scams. Nariyan na mag-aalok sa iyo na kikita ka sa maiksing panahon kung ikaw daw ay mag iinvest sa kanilang business. Sa umpisa, bayad pa ang ipinangakong interest. Ngunit pag tumagal, bigla na lang mawawala ang investment company, tangay ang pera ng maraming nahikayat. Ang masaklap, kahit ilan na ang napabalitang ganitong istilo, marami pa rin tayong mga kababayan na napapaniwala sa modus na ito.
Ano nga ba ang dapat gawin? Read this to learn how to avoid Internet scams:
Investment Scam
Una, kilalanin muna natin ang taong kausap natin. Di lang ang kanyang phone number o address ang dapat kunin. Kailangan ding ay iresearch natin sa Internet kung totoong may ganoon ngang negosyo. Pag-aralan din kung paano kumikita ang mga investment. Kung ang ipinapangako ay higit pa sa kayang ibigay ng mga lehitimong bangko, dapat ka ng magduda.
If it Sounds too Good to be True, it is.
Ikalawa, huwag paaakit sa pinapangakong kikitaan dahil di mo naman kilala ang taong papadalhan mo ng pay-in. Dapat ay magdalawang isip ka kung napakalaki ng iyong payout. Malamang, isa itong iscam sapagka’t walang madaliang paraan kung paano kumita ng pera. Ika nga nila, if it sounds too good to be true, it is.
Phishing for Personal Information
Ikatlo, ang ibang mga scammer ay gagamitin ang mga personal mong inpormasyon sa pagnanakaw ng iyong pera kaya siguraduhing wag ibigay ang mga ito kung hindi ka sigurado sa iyong ka-transaksyon sa telepono, email, o chat. Ang iba naman ay papadalhan ka phishing site kung saan ang mga impormasyon tungkol sa iyong email address o password ay kanilang makukuha. Huwag basta-basta maniniwala sa mga pekeng site na kahawig ng mga lehitimong website. Lagyan din ng Internet security or antivirus protection ang iyong computer.
Online Business
Pang-apat, kung sakaling gusto mong kumita online, imbes na mag-invest ay palaguin na lang ang iyong pera sa pamamagitan ng pagkakaron ng online business kaysa maiskam ka. At kung ikaw ay naiscam na, maari mong ireport ito ng sagano’y maiwasan ng maulit ang krimen na ginawa nila sa iyo.
Lagi nating tandaan na walang ibang daan sa pag-asenso kundi sipag lamang at tiyaga. Magsumikap tayo at huwag magpasilaw sa mga easy money investments na nakikita sa Internet. Makapitong beses munang mag-isip bago sumugal.
image credit: Don Hankins/Flickr