Stranded sa Kansai airport ang nasa humigit-kumulang 5000 pasahero.
Ayon sa reporter na si Takahiro Futamura:
Dahil sa pagkakasalpok ng isang shippine vessel sa connecting bridge ng nasabing paliparan, naapektuhan ang byahe dahil rito. Bahagyang naantala ang operasyon dahil na rin sa lakas ng hangin at ulan. Pansamantalang ginawang silungan ng ilan ang nasabing paliparan upang palipasin ang bagyo magdamag. Bagamat pagod na rin ang ilan sa mga pasahero ay kanya-kanya naman silang naghanap ng pwesto upang makapagpahinga, ang ilan sa kanila ay sa ibabaw na ng kanilang mga bagahe nagsipagtulog dahil na rin sa kakulangan ng espasyo sa mga upuan.
Saad ng isa sa mga nastranded na pasahero na nagmula pa sa Kobe airport:
“hindi ko alam kung ano ng balita sa pamilya ko dahil walang ilaw at may problema sa signal, maghapon akong nakaupo at sa sahig na ako nahiga dahil na rin sa mainit”.
Dahil sa pagkakakumpol kumpol ng mga tangke at iba pang sasakyan, magkakaroon ng problemang trapiko sa nasabing paliparan ngunit siniguro naman ng mga awtoridad na gagawan nila ito ng solusyon sa lalong madaling panahon at icclear nila ang isang bahagi upang makalabas pasok ang mga rescue vehicles upang mailikas ang ilan sa mga pasahero. Ang 3000 sa mga nastranded na pasahero ay sinasabing maililikas na simula ngayong araw na ito, ngunit nanantiling kanselado ang lahat ng flights sa airport para na rin sa kaligtasan ng lahat. Wala pamng report kung kailan manunumbalik sa normal ang sitwasyon sa nasabing paliparan.
https://www.youtube.com/watch?v=H8v3gZopDnI
Source: ANN News