Living in Japan

I married a Filipina

Ika-30 ng Agosto, Miyerkoles, nagsagawa ng forum ang Naka Ward office na may temang “I Married a Filipina”. Ang Naka-ku ay isa sa may pinakamalaking populasyon ng residenteng dayuhan sa Lungsod ng Nagoya na humihigit sa 10%, batay sa data nitong katapusan ng Abril, at isa ito sa pinakamaraming naitalaga sa mga nagdaang taon. Nangunguna ang bilang ng mga residenteng Pilipino sa lungsod na ito. Nais ng naturang programa na magbigay kaalaman at pang-unawa sa multicultural coexistence promotion kada buwan at sa mga kaugnay pang mga proyekto.

Photo: Mr. Nakashima

Inanyayahan bilang tagapagsalita si Mr. Nakajima, isang Japanese national na nakapag-asawa ng isang Filipina at nagbigay ng ulat sa kanyang karanasan ukol sa paninirihan sa Pilipinas. Bilang isang dayuhan, isinalaysay niya ang hirap sa pagharap sa pagbabago ng kultura tulad na tamang lengguwahe, pagkain, pagsakay sa mga pampublikong sasakyan, at pang-araw-araw na mga gawain.

Sa kabilang banda, sa kanyang pagbabalik sa Japan, mas naunawaan niya ng pagkakapareho ng pinagdaanan ng kanyang asawa sa bansang ito sa pang-araw araw na pamumuhay.

Photo: Ms. Miki Goto  &  Ms.Virgie Ishihara (left to right)

Ang ikalawang tagapagsalita ay si Ms. Virgie Ishihara, isa ring Filipina na nakapag-asawa ng isang Japanese at founder ng FMC (Filipino Migrants Center) sa Nagoya. Kung saan ay nagboboluntaryo siyang tumulong sa mga Filipino na nahaharap sa mga problema ukol sa international marriages na mayroong kaugnayan sa domestic violence, visa, consular procedures, at ina pa, sa tulong ng mga volunteer Japanese lawyers.

 

Ang forum na ito ay inorganisa ng Nagoya City, Naka-ku,

Naka Ward Office Regional Promotion: 052-265-2224

I married a Filipina
To Top