IBARAKI: Illegal Workers
ILLEGAL INDONESIAN FACTORY WORKERS
Isang executive ng staffing agency sa Ibaraki Prefecture ang hinuli ng pulis dahil sa paggamit nito ng mga Indonesians technical trainees sa illegal na trabaho sa factory sa Osaki City.
Ang suspek na nahuli ay si Tatsuya Suzuki, 61, isang executive ng isang staffing agency na nagbibigay ng trabaho sa mga lungsod ng Bando at Joso, Ibaraki Prefecture.
Ayon sa pulisya, nagpatrabaho si Suzuki nang illegal sa apat na mga Indonesian nationals na dumating sa Japan mula August hanggang October ng taong ito bilang mga technical trainees sa larangan ng agrikultura at konstruksyon. Ang apat ay nawala mula sa original site ng kanilang training, at sa isang pabrika sa Osaki City sila pinagtrabaho nang illegal. Ang mga pulis ay nagsuspetsa na illegal silang nakatira sa Japan nitong October.
https://www.youtube.com/watch?v=YZ19NtHanUA
Inaresto ng pulisya ang dalawang Indonesians sa mga alegasyon ng illegal na paninirahan at kasalukuyang iniimbestigahan ang kaso. Kinumpirma ng suspek, si Suzuki, sa pulisya na tama sa mga alegasyon sa kanya.
Sinusuri ng pulisya ang tunay na sitwasyon ng ilegal na pagpapatrabaho sa mga dayuhang manggagawa.
NHK NEWS WEB
13 November 2023
https://www3.nhk.or.jp/tohoku-news/20231113/6000025677.html