News

IBARAKI : MELON THIEF

IBARAKI : MELON THIEF

Isang magsasaka sa Ibaraki Nachi ang biktima ng pagnanakaw. 6 sa 7 greenhouses nya ang nilooban at tanging mga melon lamang ang puntirya ng mga kawatan. Nasa humigit kumulang 1,400 piraso ng melons ang nanakaw. Ayon sa report ang bawat isang pirasong melon ay nasa 1.5 kilo kung kaya’t ang sumatotal ng ninakaw na melons ay nasa 2.1 tons. Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang nasabing nakawan. Ito na daw ang pinakamalaking record ng pagnanakaw sa kanilang bayan.

Source: ANN News

#Japinoy # Japinonet

To Top