Marami sa atin ang naniniwala sa mga haka-haka o kasabihan na nagsimula pa noong sinaunang panahon. Ito ay nag pasa-pasang mga kwento o kasabihan mula pa sa mga naunang tao lalo na ang mga matatanda. Marami din ang hindi naniniwala sa mga kasabihang ito lalo sa modernong panahon. Ano ano nga ba ang mga kasabihan ng mga hapon? Ating alamin.
- Huwag magputol o maggupit ng kuko sa gabi.
Noong sinaunang panahon, walang kuryente sa mga kalsada o sa mga tahanan. Ang paniniwala ng mga nakakarami ay ang “evil spirits” o tinatawag nilang akuryou (悪霊/あくりょう), ay lumalabas at naglalakbay kapag sumasapit na ang dilim.
Pinaniniwalaan na ang mga kagamitang matatalim na nakakaputol gaya ng nail clippers, ay mayroong spiritwal na lakas, tinatawag nila itong reiryoku (霊力/れいりょく), na maaaring tumawag pansin sa kasamaan.
- Itago ang hinalalaki mula sa mga funeral cars.
Ang hinlalaki o “thumb” ay tinatawag na “oyayubi” (親指/おやゆび) sa salitang hapon. Ang salitang “oya” na ang ibig sabihin sa kanilang lingwahe ay “magulang”. Ang kasabihan na ito ay nagsasabi na ang iyong mga magulang ay maagang mamamatay kung hindi mo itatago ang iyong hinalalaki kung ikaw man ay makakakita ng funeral cars. Ang iba naman ay tinatago ang lahat ng daliri at halos ang buong kamay kapag sila ay napapadaan sa mga funerals at sementeryo.
- Huwag sumipol sa gabi.
Noong sinaunang panahon, ang pag sipol ay senyales na ginagamit ng mga magnanakaw at iba pang criminal upang makipag-usap sa kanilang mga kasama. “Yatou” (夜盗/やとう) ang tawag ng mga hapon sa mga “night burglar”, ang “ya” na ang ibig sabihin ay gabi samantalang ang “to” ay nakaw. Paniniwala ng mga hapon na ang pagsipol sa gabi ay maaarin makatawag pansin sa mga magnanakaw at iba pang criminal na maaaring pumasok sa inyong tahanan.
- Iwasan at huwag tatapakan ang gilid o border line ng mga tatami mat.
Ang mga tatami mats ay isang uri ng flooring na makikita sa mga tradisyonal homes ng Japan. Ang pagtapak sa border lines ng tatami mat ay isang bagay na dapat iwasang gawin sapagkat nagbibigay at nagdudulot ito ng malas.
- Huwag magpasa ng pagkain gamit ang chopsticks at sa isa pang chopsticks.
Ang paniniwalang ito ay nagmula sa mga Buddhist. Ito ay isang kakaibang ritwal na isinasagawa tuwing may cremation ceremonies kung saan ang mga buto na hindi nasunog ay dahan-dahang nilalagay sa urn na ginagamitan ng chopsticks. Ito ay upang makatawid ang kaluluwa ng sumakabilang buhay mula sa mundong ibabaw patungo sa kabilang mundo o ang tinatawag na pagtulay sa kabilang buhay.
- Huwag na huwag isusulat ang pangalan ng isang tao gamit ang pulang tinta.
Ang mga lapido o tombstones sa mga sementeryo sa bansang Japan ay isinusulat ang pangalan ng mga yumao gamit ang itim na tinta samantalang isinusulat naman ang pangalan ng mga buhay pang miyembro ng pamilya sa pulang tinta. A modernong panahon ay isinasagawa narin ang ganitong pamamaraan sa mga negosyo at social activities.
Ang mga nabanggit na kasabihan ay ilan lamang sa mga haka-haka ng mga hapon.
You must be logged in to post a comment.