News

ICE CREAM NA HINDI NATUTUNAW

July 3, isang bagong ice cream shop ang binuksan sa Shinjuku Tokyo. Ang pangunahing produkto nila ay ang ice cream na hindi madaling matunaw kahit gamitan pa ito ng hair dryer.

Ang ice cream na ito ay ginawa ng isang renowned professor na taga
Kanazawa University. Ayon sa representative ng ice cream shop, ang sekreto ay nasa strawberry polyphenols na napapanatiling magkasama ang tubig at taba (oil) kahit na tumaas pa ang temperatura, kaya’t ang ice cream ay hindi natutunaw at nananatili ang hugis nito.

Source: ANN News

 

To Top