Nakapagdevelop ang Kumpanya ng Hitachi ng isang makabagong teknolohiya na kung saan ay pwede ng masuri kung ang isang tao ay may kanser sa pamamagitan ng “urine test”. Ayon sa kanila, may 2000 klase ng “metabolites” na natural na inilalabas ang katawan sa pamamagitan ng ihi, ngunit kung ang isang tao ay may kanser, ang ilan sa mga ito ay pwedeng bumaba o tumaas sa bilang.
Kasabay ng praktikal na aplikasyon ng cancer detection technology gamit ang urine sample, ang Hitachi ay magsasagawa ng demonstration test kung papano ang dapat na proseso sa pagtatransport ng urine sample sa mga facilities na may sapat na gamit para magsagawa ng pagsusuri.Nais nilang maperpekto ang prosesong ito upang maihanda sa publiko sa taong 2020’s.
Ayon kay Hitachi, Ltd. Research and development group, Mr. Sakimi Sakimoto Chief Scientist: “may mga pagkakataong mahirap magextract ng blood sample, para sa akin ay malaking tulong at mas madali kung masusuri ang isang indibidwal sa pagkakaroon ng kanser sa pamamagitan ng urine sample.”
Source: ANN News