Crime

Iimbestigahan ng Japan ang Paghawak ng mga Kaso ng Pang-aabuso sa mga Nursery sa Buong Bansa

Sinabi ng gobyerno nitong Martes na titingnan nito ang mga child mistreatment case sa mga nursery sa buong bansa at kung paano pinangangasiwaan ng mga munisipyo ang mga ito, kasunod ng pag-aresto sa tatlong guro ng nursery sa central Japan dahil sa umano’y pang-aabuso sa mga bata.

Ang kaso sa nursery sa Susono, Shizuoka Prefecture, na nagbigay-diin din sa pagkahuli sa disclosure ng munisipyo at ang sinasabing coverups ng head ng nursery, ay “extremely regrettable” at “hindi dapat nangyari,” sinabi ng health minister na si Katsunobu Kato sa isang press conference.

Inaresto ng pulisya ang tatlong babae noong Linggo dahil sa hinalang pang-aabuso sa mga bata noong Hunyo tulad ng pananakit sa mga paslit at pagbitay sa kanila ng patiwarik sa kanilang mga paa.

Pagkatapos ay inakusahan ng mayor ng Susono ang head ng nursery sa pag-cover-up ng pang-aabuso, pinaghihinalaan niyang pinagawa nya ng oath ang lahat ng mga guro sa paaralan upang panatilihing lihim ang abusive behavior at sadyang ipagpaliban ang announcement ng insidente sa mga magulang.

Ang head ng nursery ay hindi rin nag-report sa mga awtoridad ng lungsod o pulisya sa kabila ng isang whistleblower na nagpunta mula bandang Hunyo hanggang Hulyo na nagsasabi patungkol sa pang-aabuso na ginawa ng ilang mga guro, sinabi ng isang source na malapit sa municipal government.

Ang municipal government, samantala, ay nahaharap sa mga batikos dahil sa mabagal nitong pagtugon dahil isiniwalat nito ang kaso noong nakaraang linggo lamang, mahigit tatlong buwan matapos itong unang makatanggap ng tip tungkol sa mga abuse allegation noong kalagitnaan ng Agosto.

Sa pamamagitan ng pagsisiyasat na nakatakdang isagawa sa lalong madaling panahon, posibleng sa katapusan ng taon, hinahangad ng central government na harapin ang mga mistreatment case sa mga nursery at tingnan kung naaangkop na tumutugon ang mga munisipalidad kapag nakatanggap sila ng mga tip o nakarinig ng mga paratang.

To Top