IKEA JAPAN, binawi ang nasa higit 95,000 plastic items dahil sa isang panganib na dulot nito
Ang IKEA JAPAN ay naganunsyo ng pagbawi ng mga plastic items na aabot sa 95,000 na piraso tulad ng mga plato, at mga tasa mula sa “Heroisuku” at “Tarrika” series na ibinebenta simula pa noong June 2019. Ang mga utensils na yari sa corn materials ay may mas mataas na panganib kapag ginamit sa microwave oven. Sa abroad nasa 100 cases ang mga reports na naitala na habang ginagamit ay nagdudulot ng sunog or damages ngunit wala namang naireport na kaso sa Japan. Hiniling ng IKEA Japan ang pagsasauli ng mga items na nabili na kasama sa series na nabanggit at pinapayuhan ang lahat na agarang itigil ang pag-gamit nito.
Source: ANN NEWS