Ilang Mga Electric Power Company sa Japan ang Nag-aaplay Upang Taasan ang Household Electricity Charges
Ang Shikoku Electric Power Company at Okinawa Power Electric Company ay nag-anunsyo nitong Lunes na nag-aplay sila para sa government approval upang taasan ang kanilang mga regulated electricity rate para sa mga household simula sa susunod na Abril, na binabanggit ang tumataas na presyo ng gasolina.
Ang Shikoku Electric Power Company ay nag-aplay para sa government approval upang taasan ang regulated electricity rate para sa mga household ng average na 28.08 porsyento.
Ito ang unang pagkakataon mula noong 2013, nang ang nuclear disaster noong Marso 2011 sa Fukushima ay naging sanhi ng pagkasira ng negosyo ng kumpanya.
Inihayag din ng Okinawa Electric Power Company na nag-aplay din ito para sa government approval upang taasan ang regulated electricity rate nito para sa mga household ng average na 39.3 porsyento.
Hindi nila pinataas ang kanilang regulated electricity rate para sa mga household mula noong 1980.
Sinasabi ng Okinawa Electric na lubos silang umaasa sa thermal power upang makabuo ng kuryente. At idinagdag nila ang pagtaas ng presyo ng coal na nagpasya sa kanila na hilingin ang large increase.
Humingi ng pahintulot ang Tohoku Electric Power Company noong Huwebes na itaas ang regulated rate nito sa average na 32.94 percent, simula sa susunod na Abril.
Ang mga kompanya ng kuryente sa Hokuriku at Chugoku ay nag-anunsyo din ng mga plano na itaas ang kanilang mga regulated rates at sila ay inaasahang humingi ng state approval sa ilang sandali.