Ilang ng Biyahe ng JR Tokai, posibleng kanselahin dahil sa bagyo simula bukas

Dahil sa posibleng panganib na dala ng Typhoon no. 14 sa bansa, inanunsyo ng JR Tokai na maaring bawasan nila ang bilang ng biyahe sa pagitan ng Tokyo at Shin-Osaka sa Tokaido Shinkansen bandang tanghali, bukas ika-10 ng Oktubre o posibleng tuluyang kanselahin lahat ito at hindi pahintulutan sa pagbiyahe depende sa sitwasyon. Maaaring magbago pa ang desisyong ito depende sa galaw at direksyon ng bagyo, upang makasiguro maaaring i-check lamang ang mga latest information sa kanilang website.
Source: ANN NEWS
