MANILA, Philippines — Wala pang pinal na sagot si Pangulong Duterte sa imbitasyon ni US President Donald Trump na bumisita ito sa Estados Unidos.
“There was no definite acceptance of the invitation for President Duterte to visit the United States,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.
“The problem with the President is he cannot stand the temperature of the US.”
Magugunita na nag-courtesy call kamakalawa ng gabi kay Pangulong Duterte si US State Department Secretary Michael Pompeo at muling ipinaabot ang imbitasyon ni POTUS kay Duterte.
“He cannot stand the temperature in the US, napakalamig eh, mahihirapan siya at saka masyadong malayo. Iyong mga long haul ayaw niya eh,” dagdag ng spokesman.
“But, of course he is very fond of the President and I remember when the President was talking about what he is doing for this country, pati iyong mga controversial na galaw niya, pati iyong cursing niya, the Secretary of State said, “you’re just like our President” – tawanan kami. The style of the President: prangka, walang sini-sino, na kahit sino puwedeng labanan; di ba ganoon si Mr. Trump, against all flags,” paliwanag pa ni Panelo.
Source:Pilipino Star Ngayon
Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/03/02/1898040/imbitasyon-ni-trump-di-pa-tinatanggap-ni-digong#Gtajp5KLzSWZksdE.99