A picture of a female immigration officer in NAIA Airport Terminal 2 whose name is not disclosed is known to be circulating online that raised different reactions which mostly angered netizens and shared those who have previous encounter with the said person na di umano ay “confirmed” ayon sa kanila na nangingikil ng pera sa mga pasaherong papaalis ng bansa patungo sa bansang japan kung hindi makapagbigay ng mga hinahanap nyang dokumento, Or even shared a similar story that eventually ended up offloading or misfortune in boarding the plane for their tour or vacation trips.
Ilan sa mga netizens ay nagkumpirmang nakaharap na nga nila ang naturang babae sa larawan. At nagpatunay na totoo nga ang pangyayaring kaloob ng kwento nito. Pero marami ang mas nagpahayag ng pagkadismaya at galit at inis bilang reaksyon. Nakakaalarma ang lumalalang sistema papasok ka man o palabas ng bansang Pilipinas, dahil hindi malinaw sa mga pasahero kung ano nga ba ang mga rules and policy pagdating sa immigration. Nasasaad nga sa kani- kanilang website na may memorandum at maykapangyarihan ang BOI (Bureau of Immigration)para maghanap ng mga dokumento pero hiling ng karamihan sana imbes na manghingi ng “pang-areglong pera” para iwas hassle idaan sa tamang paraan, may maipakitang malinaw na kopya ng kanilang palatuntunan o di kaya naman ay ipaskel sa kanilang cubicles or kung saan man sa loob ng paliparan ang mga guidelines upang maging malinaw sa mga pasahero. Hindi lahat ay magaling sa computer, hindi lahat ay marunong gumamit nito para magreseacrh at kung sakaling magsearch ka man madalas ay kulang kulang sa impormasyon.
Matagal ng ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone habang kausap ang immigration officers kung kaya’t nasasamantala ang mga ganitong pagkakataon. Dapat sana ay may cctv ang sa lahat ng sulok ng paliparan na GUMAGANA upang mabawasan ang pangongotong.
Ugaliing wag makipag-areglo kapag nagkaroon ng pagkakataong makaharap ang ganitong sitwasyon, kung alam ninyo sa sarili ninyo na wala kayong nilalabag wag matakot na humarap sa nakakataas nilang opisyal. Kaya marapat lamang na alamin ang mga rules and policy ng bansang pupuntahan kung ano ang mga bawal at hindi, at mahigpit na sumunod sa tamang policy ng paliparan ng pilipinas. Magtanong at maging alisto, hanapin ang kanilang Head officer humingi ng guidelines kung sakaling mapatunayan na may pagkukulang o pagpapabaya sa inyong parte humingi ng dispensa at sumunod sa patakaran HUWAG MAGBAYAD NG ANUMANG HALAGA maliban sa penalty kung ito ay nakasaad man sa kanilang batas.
Mababawasan ang ganitong bulok na sistema kung pipiliin nating lahat na wag makisakay sa kanilang modus bagkus ay ipagbigay alam sa awtoridad ngunit maging maingat. Siguruhin na ang mga impormasyong bibitawan sa social media ay may katotohanan at sapat na ebidensya pangsuporta.
Ugaliin ding magbasa basa sa kanilang mga itinalagang website tulad ng mga sumusunod.
Click here to read and view the Immigration Laws of the Philippines
MEMORANDUM para sa mga Tourist, OFW’s at Permanent Residents at Immigrants
Nakasaad nga sa memorandum na pinatupad simula pa noong June 2015 na ang BOI ay may kapangyarihan para maghanap ng mga supporting documents, mainam na bawat dokumentong ipapasa sa embassy bago magapply ng visa ay ipaphotocopy muna para may maipakita in case hanapin nila. Lalo na sa mga 1st timers, at mga bumabyahe magisa ito ang mga pagkakataong sasamantalahin ng nasa kapangyarihan ang kautusan sa kanila para makapanlamang sa kapwa. Mahirap sugpuin ang ganitong maitim na gawain ngunit kung ang lahat ng pasahero ay alam ang kanilang bawat karapatan, standard procedures ng paliparan maging ang rules and policy sa kanilang pupuntahan maiiwasan ang ganitong pangyayari na may makokotongan, may makikilan at may mabibiktimang inosenteng nilalang dahil lamang sa kadahilanang. ” wala syang alam sa procedures, policy at rules ng pagbabyahe” palabas ng bansa. Nasa sa atin din ang solusyon para matapos ang mga katiwalian at maling gawain sa lahat ng bagay, umpisahan sa sarili ang pagbabago bago tayo magumpisang manisi at magturo sa iba.
“Kaya may mga naloloko at naaagrabyado, dahil may nagpapaloko at nagpapadehado”. Kaya alamin ang inyong karapatan, alamin kung ano ang tamang patakaran.
Update: One of the employees of the BOI in airport sent Pinays in Japan a private message regarding their post that went viral hitting up more than 1.5M people reached and thousand shares all over the net. And asked few details since the original uploader of the said picture is “unknown” and the name of the lady officer in the picture is not disclosed, seeing the comments and stories of actual confrontation of some passengers in the airport claiming the truth behind the viral post. The latter assured that they will conduct proper investigation over this matter to resolve it and prevent from victimizing other innocent passenger in the future.
However, we strongly recommend na maging alerto ang bawat pasahero. Dapat familiar sila sa mga memorandum at protocols lalo na kung “first timers”. Maghanda ng XEROX COPY NG LAHAT ng ipapasang dokumento sa embassy upang kung dumating ang pagkakataon na kakailanganin sa immigration line sa airport ay meron kayong maipresenta regardless kung may memorandum man o wala, responsibilidad nyo na yun bilang “travellers”.Isang paraan ng pagiingat at pagiwas na maantala ang byahe at makaabala sa iba. Wag na wag makipag-areglo ng pera upang walang matukso. At higit sa lahat ay matuto pa rin po tayong rumespeto, pangit man ang gawain ng iba sa kanila kung may katotohanan man. May mga natitira pa ring mabubuting tao kaya wag po natin lahatin ang lahat ng empleyado ng Airport.
source: http://www.immigration.gov.ph/
You must be logged in to post a comment.