Ang Telecommunications giant na KDDI ay nag anunsyo na bababaan ang presyo ng kanilang mga smartphones ng mahigit 30% upanv mapigilan ang paglipat ng mga customer sa mas murang smartphones ¨kakuyasu sumaho¨. Bababaan ng KDDI ang presyo ng plan simula sa July 14. Ayon sa Ministry of Internal Affairs and Communications, nasa 8.9% ng market ay kasalukuyan ng nasasakop ng mga mas murang smartphone contracts at patuloy na dumadami ang lumilipat dito. Sa pag anunsyo ng KDDI (au), lahat ngayon ay nakatutok sa Docomo at Softbank para alamin kung ano ang gagawin ng dalawang malaking kumpanya.
Source: ANN News