Inaresto ng Gifu Police ang isang Pinoy sa hinalang pagsira sa nirentahang sasakyan
Noong ika-13, inaresto ng Gifu Prefectural Police Tajimi Station ang isangLalaki 22-taong-gulang na manggagawa sa Minamioda-cho, Mizunami City, isang Pinoy dahil sa hinalang pagsira sa ari-arian.
Ang pag-aresto ay sinasabing bandang 5:30 ng hapon noong ika-11,hinihinala na ang asawang pinay (22) ay sinira ang mga side mirror at doorknobs sa gilid ng passengers seat na nirentahan mula sa isang kumpanya ng rental car ng Miyukimachi, Lungsod ng Toki.
Ayon sa pulisya, Tumawag ang lalaki sa pulis at sinabi na ang kanyang sasakyan ay binangga at tinakasan. Ayon sa imbestigasyon ng pulis walang nakitang ebidensya o pagpapatunay na ito ay binangga at tinakasan. Hinihinala na maaring nagkaroon ng problema sa pagitan ng mag-asawa na siyang naging dahilan ng sira ng sasakyan.
Ang lalaki ang nagmaneho ng inarkilang sasakyan at hinihinala na ng huminto ito ay kaniyang sinira. Agad naman umalis sa pinangyarihan ang pinoy kasama ang kanyang 3 kaibigan at isang lalaki na lamang ang naiwan sa lugar ng pinangyarihan. Inaalam ng mga pulis ang detalyadong pangyayari, kabilang ang dahilan ng paggawa ng maling ulat.
SOURCE: GIFU SHINBUN