News

Iniligtas ng Lalaki ang Babae na nasa Edad 90 Matapos itong Mahulog sa Riles ng Tren isang Minuto Bago Dumating ang Tren

Isang lalaki ang nagligtas sa isang babae na nasa edad 90 na nahulog mula sa platform papunta sa riles ng tren halos isang minuto bago dumating ang isang tren sa Musashino, Tokyo, noong Sabado.

Ayon sa mga opisyal ng JR, naganap ang insidente sa Kichijoji Station bandang alas-2 ng hapon. Sinabi ng mga saksi na naglalakad ang matandang babae sa gilid ng platform nang mawalan siya ng balanse at nahulog sa riles.

Agad na tumalon sa riles ang isang lalaking nasa edad 40 at inilipat ang babae sa isang ligtas na lugar sa ilalim ng platform. May dumating na tren makalipas ang isang minuto.

Hindi nasugatan ang lalaki at ang babae ay nagtamo ng minor injuries sa kanyang mukha, sabi ng mga opisyal ng JR.

To Top