News

INILUNGSAD NG FUJITSU ANG KANILANG BAGONG TECHNOLOGY

Pinakilala ng Fujitsu company ang kanilang state-of-the-art technology na gumagamit ng advanced sensors at data processing. Ang bagong “display in space” ay isang technology na may kakayahang makapag-project ng screen sa space at mao-operate ito ng kahit walang nagko-control nito physically.

Ang technology na ito ay maaasahan sa mga lugar na dapat malinisan ng mabuti ng hindi mahahawakan katulad ng mga reception sa mga ospital. Pinakilala din nila ang isa pang technology na makakapag-analyse ng data sa pamamagitan ng 3D sensors, na makakapag-perform ng automatic scoring ng 360-degree na movements. Ang layunin ay magamit ang technology sa darating na Tokyo Olympics sa 2020.

Source: ANN News

To Top